Tiwala Lang!

Never Doubt! Live by Faith! Nothing is Impossible!

2 notes

Tiwala o Selos

Magkaiba ang selos at kawalan ng tiwala. Di ko alam kung bakit ganun, nakakalungkot lang isipin na kahit anong gawin ko na adjustment parang hindi pa rin talaga mawala yung pagiging flirty ko sa isip niya. Lahat na ng account ko alam niya. Facebook, twitter, tumblr, pero kahit ganun nagiisip pa din siya ng masama tungkol sakin kahit wala akong ginagawang masama. Ang sakit lang di ba. Sana kayang mabura ng sorry ang lahat, sana yung buhay may ctrl+z din na button para pwedeng ibalik yung nangyari at mabago pa. Selos pa nga ba yun o wala ng tiwala? Sobrang lungkot lang talaga. Pero hahayaan ko na lang lahat ng ito, lilipas din naman eh. Mahalagang sangkap yung tiwala sa isang relasyon, ayokong iwan at tapusin kung anuman meron tayo pero paano tayo magpapatuloy san salitang “forever” kung puro duda lang at di magandang bagay ang maiisip niya tungkol sa akin. We can fix it together and we can fix it apart. Ang akin lang sana di na to maulit dahil mas pipiliin kong maayos to na kami pa. Pero kung ganun pa din naman magiging tingin niya sakin eh wala ako magagawa dun.

I made a mistake before, sabi niya okay na yun pero mukhang hindi pa pala. Andun na yung duda sa bawat ginagawa ko at bawat makikilala ko lalo sa babae. Bawal na ba ko magkaroon ng iba pang kakilalang babae? Siguro okay ng nalabas ko na dito lahat. Hayaan na yun. Malungkot pero kailangan magpatuloy. 

Grow up. Move on. 

109,321 notes

Help The Philippines. Thank you Tumblr!!

staff:

In a matter of hours on Friday, Typhoon Haiyan completely devastated parts of the central Philippines. It was one of the strongest storms ever recorded. The death toll is estimated up to 10,000 with hundreds of thousands more displaced. The country has declared a “state of calamity.”

To all our…

0 notes

Taas Noo, Saludo sa Tropa

@coachot: Asian Games 2010,FIBA-Asia’11,Jones Cup’12,FIBA-Asia’13,5 strt PBA Finals (6 out of 9) in d last 3 yrs-time to rest Jim, Del, Jason, Larry

For three years, non stop basketball it is for the whole team. Now, they have early exit but yet much deserve rest. A longer rest for them. Saludo pa din when you look at what they’ve done for three years not only on Philippine Basketball but also internationally.

Pahinga lang at babawi at babangon ang koponan na ito.

Laban Tropa! PUSO!

Filed under TNTNation TalkNText TropangTexters PBA PBA2013

1 note

Dynasty Ends

Every dynasty has its end, yung mga MVP teams mukhang ngayong taon natapos o matatapos ang sa kanila. Ateneo just lost their race to 6Peat. Talk N Text is not a good team as they are for the previous three years. Maybe Beda also is not doing as good as they are. Pero one thing na nangyari para kay MVP ay ang pagpasok ng Gilas sa FIBA World Cup, thats huge and wonderful! Maybe, di mo talaga makukuha lahat. For the past year MVP teams dominated local basketball, now for atleast, they are showing their class in international competition.

Heads Up!

Filed under Ateneo TalkNText Beda Gilas MVP Basketball UAAP PBA FIBA

1 note

Ano Na Nga Ba?

Ikot ng mundo
Minsan ang hirap intindihin
Naiisip mo,
ano pa ba ang dapat gawin?

Ano bang magiging sagot
Sa mga tanong ng damdamin?

Sapat pa ba ang pagmamahal
para ituloy ang lahat?
O kailangan na tayong bumitaw
Sa ating pagkakahawak?
Puso ay tila naguguluhan,
Ikaw at ako, ano na nga ba?

May mga bumabagabag
Sa isip na di mo malaman
Saan nga ba nanggaling?
Ano ang dapat gawin?

ano bang magiging sagot
sa mga tanong ng damdamin?

Sapat pa ba ang pagmamahal
para ituloy ang lahat?
O kailangan na tayong bumitaw
Sa ating pagkakahawak?
Puso ay tila naguguluhan,
Ikaw at ako, ano na nga ba?

Sapat pa ba ang pagmamahal
para ituloy ang lahat?
O kailangan na tayong bumitaw
Sa ating pagkakahawak?
Puso ay tila naguguluhan,
Ikaw at ako, ano na nga ba?

Filed under compose songforus opm song original

1 note

Anonymous asked: Kamusta na buhay mo bilang auditor? masaya ba?

Basta gusto mo ginagawa magiging masaya ka. =)

1 note

Mahirap malaman kung kailan ka susuko at hanggang saan ka kailangan lumaban pagdating sa relasyon. Pero kung kayo, kayo talaga, pag pinili niyo maging kayo kahit anong mangyari. Kayo pa din.